SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA, NAGPAKITA NG PAKIKIISA SA COLOR FUN RUN

Cauayan City – Naglabas ng Memorandum ang Schools Division Office of Isabela patungkol sa gaganaping Color Fun Run at Bubble Party, bilang bahagi ng selebrasyon ng Bambanti Festival.

Ang nasabing aktibidad ay bukas para sa mga mag-aaral mula Grade 9 hanggang Grade 12, pati na rin sa mga guro, kawani, at lahat ng empleyado ng nasabing tanggapan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Rachelle R. Llana, inilabas ang isang memorandum upang hikayatin ang lahat ng nasasakupan ng SDO Isabela na makibahagi sa aktibidad.


Ang Fun Run ay naglalayong hindi lamang magsulong ng kalusugan at pisikal na aktibidad kundi pati na rin ng pagkakaisa sa hanay ng mga mag-aaral at empleyado.

Inaanyayahan ang lahat na makilahok at samahan ang SDO Isabela sa pagbibigay kulay at sigla sa Bambanti Festival ngayong taon.

Facebook Comments