SCIENCE-BASED SOLUTION SA PROBLEMANG PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, TINIYAK

Sunod-sunod ang talakayan ng lokal na pamahalaan ng dagupan city katuwang ang department of public works and highways o dpwh sa paglalatag ng mga planong target tugunan ang matagal nang problemang pagbaha sa dagupan city.

Nito lamang, pinag-usapan ng mga kawani partikular ang paglalagay ng tide benchmarks at tidal observatory sa mga kailugan sa lungsod na makatutulong sa pagmonitor sa galaw ng tubig.

Tinalakay din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng upgraded pumping station na isa sa mga nakikitang solusyon upang maibsan ang pagbaha.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na hindi lamang pangmatagalan, kundi science-based din ang mga isasakatuparang solusyon upang tuluyang matugunan, o maibsan ang matagal nang problemang pagbaha sa lungsod ng dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments