Lumagda na ang Department of Energy (DOE) ng isang kasunduan sa isang Australia-based research and development company na Star Scientific Ltd. upang simulan nang tingnan ang potential ng bansa para sa iba pang pwedeng pagkunan ng enerhiya tulad ng hydrogen.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso G. Cusi, sa pamamagitan ng kasunduan, magkakaroon ng pag-aaral kaugnay sa paggamit ng hydrogen bilang fuel para sa power generation.
Malaki rin aniya ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa sa kabuuan.
Aniya, magiging energy independent na ang Pilipinas kung sakaling magpo-produce na ang bansa ng hydrogen at mababawasan na rin ang carbon dioxide o CO2 emissions.
Dagdag pa malaki ang potential ng hydrogen sa bansa bilang local industry na pwedeng gamitin gasolina sa hinaharap.