Santiago City- Hindi magiging kampante at magpapabaya ang kapulisan ng Santiago City sa pagpapatupad ng mga batas o alituntunin at maging ang pagtiyak ng mapayapang halalan ngayong taon
Ito ang ibinahaging impormasyon ni PSupt. Melchor Ariola, ang tagapagsalita ng Santiago City Police Office sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.
Bilang bahagi ng kanilang mga ginagawang aktibidad ay siniguro naman ng panig ng Santiago City Police Office na mas lalo pa umano nilang paiigtingin ang kanilang mga ginagawang pagbabantay sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay PSupt. Ariola, bagamat hindi umano kabilang sa hotspot area ang lungsod ng Santiago ay hindi nangangahulugang magiging kampante na ang mga ito sa pagbabantay sa halip ay lalo pa aniya nilang paiigtingin ang kanilang ginagawang pagkilos.
Samantala, panawagan parin ng kapulisan ang pagtutulungan upang mapanatiling ligtas at payapa ang lungsod ng Santiago.