Scrap Collector, Duguan ng matagpuan ang bangkay malapit sa isang Fishpond

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad matapos matagpuan ang bangkay ng isang ginang sa Brgy. Trinidad, Mallig, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Agila Serafica, 34 anyos, may asawa at isang scrap collector at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Mallig Police Station, pasado 6:00 ng gabi nitong lunes ng matagpuan ang bangkay ng biktima malapit sa fishpond ni dating Congressman Edwin Uy.


Napag alaman pa na nagpaalam ang biktima sa caretaker ng palaisdaan na manghuhuli ito ng mga isda.

Nagtaka na lamang ang pamilya ng biktima nang hindi na nakauwi ang ginang at natagpuan na lamang ang kanyang duguang katawan.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ang resulta ng post mortem examination sa katawan ng biktima.

Facebook Comments