SCREENING AT BALIDASYON SA LIBU-LIBONG SCHOLARS SA DAGUPAN CITY, ISINASAGAWA

Matagumpay at generally peaceful umano ang naganap na screening at balidasyon sa libu-libong scholars ng Lungsod ng Dagupan kahapon ika-23 ng Oktubre.
Maaga palang ay dinumog na ang pila para sa isinagawang screening at balisdasyon para sa mga bagong aplikante na scholar ng lungsod kung saan ayon sa Tantsa ng lokal na pamahalaan ng lungsod tinatayang nasa 9, 000 na binubuo ng mga estudyante at mga magulang ang nagtungo sa screening center sa bahagi ng Lucao District, Dagupan City.
Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Mayor Belen T. Fernandez, overwhelming umano at hindi inaasahan na dudumugin ang naturang aktibidad ng mga nangangailangan ng scholarship ng lungsod.

Dagdag pa niya, dito umano makikita na mahalaga ang naturang scholarship na may kabuuang 55 million at ang hinihintay na aprubahan ng Sangguniang Panglungsod na 102 million bilang karagdagang budget para sa mga kwalipikadong scholars ng lungsod.
Sakali umanong inaprubahan na ng SP ang naturang naturang budget, agad isasagawa ang distribution sa mga magulang estudyante upang magamit nila sa kani-kanilang pag-aaral.
Sa scholarship na ito, magkakaroon ng Memorandum of Agreement upang siguruhing ang scholar na ito ay residente ng lungsod, walang failing grades, mag-aaral lamang ng mabuti.
Babala naman ng alkalde na sakaling may mahuling dummy, flying at ghost na estudyante ay susulatan umano sila ng Scholarship Committee na kailangan ibalik ang nakuhang pera.
Sa huli, sinabi ng alkalde ang kahalagahan ng scholarship na ito umano ang pag-asa ng mga estudyante at ang bawat pamilya upang sila ay nagpatuloy ng kanilang pag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments