Screening officer na lumunok ng pera sa NAIA, napatunayang guilty – DOTr

Lumabas na guilty ang babaeng security screening officer na nahuli sa Closed-Circuit Television (CCTV) na lumulunok ng umano’y $300 o katumbas ng P15,000 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, bukod sa babaeng screening officer, kasama rin nitong haharap sa kasong administratibo at kriminal ang tatlo pang tauhan ng Office for Transportation Security (OTS).

Matatandaan na nakita sa CCTV footage na nilunok ng isang babaeng screening officer ang $300 bill na ninakaw mula sa isang Chinese national.


Kung maalala ang insidente na rin na ito ang naging dahilan ng pagbibitiw ni OTS Administrator Ma. O Aplasca matapos sabihin ni House Speaker Martin Romualdez na personal niyang haharangin ang budget ng ahensya kung hindi ito aalis sa Office of Transportation Security.

Facebook Comments