Screening sa mga asylum seeker mula sa Afghanistan, inihahanda na ng DOJ

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) ang mahigpit na pagbabantay sa mga refugee at political asylum seekers bago ito makapasok sa Pilipinas mula sa Afghanistan.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kung mag-a-apply sa permanent status bilang refugee ang mga nanggaling sa Afghanistan, daraan muna ito sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa National Intelligence and Coordinating Agency (NICA).

Ito ay upang matiyak na wala itong anumang banta sa seguridad ng bansa.


Mayroon namang Refugees and Stateless Persons Protection Unit (RSPPU) ang DOJ na mangangasiwa sa mga foreigners na naghahanap ng asylum.

Matatandang nitong martes, una nang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na payag ang Pilipinas na tumanggap ng asylum seekers mula Afghanistan.

Facebook Comments