Matapos ang toll rate increase ng North Luzon Expressway (NLEX) magpapatupad na rin ng dagdag-singil ang Subic-Clark Expressway (SCTEX) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCEX) sa 2nd quarter ng taon.
Ito’y makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang petisyon ng Bases Conversion And Development Authority (BCDA) at Ayala Corporation para sa toll rates adjustments.
Pero ayon kay TRB Spokesperson Alberto Suansing, kailangan pa itong ilabas sa mga pahayagan bago maging epektibo.
Sa SCTEX:
Ang class 1 — mula P2.67/km (vat exclusive) at P2.99/km (vat inclusive), magiging P3.18/km (vat exclusive) at P3.57/km (vat inclusive)
Sa class 2 — mula P5.35/km (vat exclusive) at P5.99/km (vat inclusive), magiging P6.37/km (vat exclusive) at P7.14/km (vat inclusive)
At sa class 3 — mula P8.025/km (vat exclusive) at P8.98/km (vat inclusive), magiging P9.56/km (vat exclusive) at P10.71/km (vat inclusive)
Sa mcex:
Ang class 1 — mananatili sa P17
Sa class 2 — mula P34 ay magiging P35
Habang ang class 3 — mula sa P51 ay magiging P52 na