Aabot sa 20 lane ang idadagdag sa mga toll plaza sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Ayon kay Luigi Bautista, presidente at general manager ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, layon nitong mapabilis ang toll transactions lalo na tuwing rush hour at holiday.
Aniya, sisimulan ang toll plaza capacity expansion project sa Hulyo at target matapos sa Nobyembre.
Sakop ng proyekto ang mga toll plaza sa Clark North at South, San Miguel, Bamban (Tarlac) at Tarlac.
Facebook Comments