SDO CAGAYAN, NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMARAMING MEDALYA SA DEPED DOS RISE 2022

Cauayan City, Isabela- Nangunguna ngayon ang koponan ng Lalawigan ng Cagayan sa may pinakamaraming nakuhang medalya sa ginaganap na Dos RISE o Regional Invitational Sporting Event ng DepEd Region 2 dito sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa inilabas na partial at unofficial results ng Medal tally kaninang ala una kwarentay singko ng hapon, sa siyam (9) na delegates mula sa iba’t-ibang dibisyon sa rehiyon dos, nakapag bulsa na ang SDO Cagayan ng limang (5) gintong medalya, pitong (7) silver medals at siyam (9) na Bronze medals na nakuha mula sa iba’t-ibang sports events.

Pumapangalawa naman sa may maraming medalya ang SDO Isabela na may apat (4) na gold medals, anim (6) na Silver medals at tatlong (3) tansong medalya.

Humahabol rin ang SDO Tuguegarao City na may nakuhang apat (4) na ginto, dalawang (2) pilak at tatlong tansong medalya.

Ang SDO City of Ilagan ay mayroon na ring tig-tatlong (3) silver at bronze medals.

Tig-dalawang (2) Gold at bronze medals din ang nakuha ng SDO Quirino maging ang SDO Santiago City na may dalawang ginto at isang tansong medalya.

Nakakuha rin ng dalawang gintong medalya ang Koponan ng Batanes habang ang SDO Cauayan City ay nakakuha pa lang ng isang gintong medalya.

Inaasahan pang madagdagan ang bilang ng mga nakuhang medalya ng bawat delegasyon dahil may natitira pang dalawang araw para sa kanilang pagsungkit ng medalya.

Facebook Comments