SDO Cauayan City, All-Set na sa Pagbubukas ng Klase sa Lunes

53

Cauayan City, Isabela- Magdaraos ng motorcade ang Schools Division Office (SDO) Cauayan City at 79 na pampublikong paaralan sa lungsod para sa pagbubukas ng klase sa darating na lunes, October 5.

Ayon kay Dr. Alfredo Gumaru, Schools Division Superintendent, handa na ang kanilang pwersa sa pagbubukas ng klase ngayong naipasakamay na ang lahat ng kakailanganing module ng mga mag-aaral.

Batid ng opisyal na handang handa na ang ilang mga magulang at kanilang mga anak sa pagbubukas ng klase dahil sa kanyang ginawang pag-iikot ay tila on-the-go na ang mga ito para sa school year 2020-2021.

Giit ni Gumaru, may dalawang opsyon ang kanilang gagawin para sa pagsusumite ng mga natapos na learning module at ang distribusyon gaya na lamang ng ng weekly submission at monthly submission.

Samantala, tatanggap pa rin ng mga enrollees ang mga paaralan sa kabila ng nalalapit ng pagbubukas ng klase.

Hiniling naman nito sa lahat ng mga magulang at guardian ng mga bata na tulungan ang mga ito para sa kanilang pag-aaral ngayong nasa ilalim tayo new normal.

Facebook Comments