SDO Cauayan City, Todo na ang Paghahanda sa CAVRAA 2020

*Cauayan City, Isabela*- Doble na ang ginagawang paghahanda ng LGU Cauayan at Schools Division Office sa nalalapit na pagdaraos ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) sa susunod na buwan.

 

Ayon kay Schools Division Superintendent Dr. Fred Gumaru ng SDO Cauayan, patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon ng mga stakeholders para pakikiisa sa sports event.

 

Tiniyak naman ni Dr. Gumaru na matatapos ang paggawa sa Sports Complex bago pa man ang nakatakdang araw ng aktibidad at pagmamalaki nito na ang nasabing pasilidad ay pinakabago, Malaki at Ideal facilities para sa mga atleta.


 

Umaasa naman si Dr. Gumaru na makakapag uwi ang kanilang koponan ng mas maraming Gintong Medalya.

Inaasahan naman na magbibigay ng inspirasyon sa mga atleta ng CAVRAA ang pagdating nina Senator Pia Cayetano at Senator Manny Pacquiao.

Ito ang kauna-unahang pagiging punong abala ng Cauayan sa pagdaraos ng Cagayan Valley Athletics Association.

Facebook Comments