SDO CAUAYAN, HANDA NA SA PAGBUBUKAS NG FACE-TO-FACE CLASSES

Cauayan City, Isabela- Handang-handa na ang pamunuan ng SDO Cauayan City para sa pagdaraos ng face-to-face classes bukas, August 22, 2022.

Sa isinagawang Hybrid Summit ng SDO Cauayan, inihayag ni School’s Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. ng SDO Cauayan na handa na ang lahat ng mga paaralan at mga guro sa Lungsod sa muling pagbubukas ng klase bukas.

Nasa 80 na mga paaralan ang nakatakdang magsagawa ng face-to-face classes na aatendahan ng mahigit 33,000 na mga estudyante.

Ayon pa kay Dr. Gumaru, nagkaroon na aniya sila ng oryentasyon sa mga magulang ng mga mag-aaral kaugnay sa mga ipatutupad na protocols sa paaralan, uniporme, at iba pang concerns ng mga estudyante.

Samantala, sa muling pagbubukas ng klase, tiniyak ni Dr. Alfredo Gumaru na walang babayaran o kokolektahin ni sentimo sa mga mag-aaral.

Nilinaw din ng SDO Cauayan na tatanggapin at makakapasok pa rin sa klase ang mga unvaccinated students.

Facebook Comments