Cauayan City, Isabela- Nasungkit ng Schools Division PRIME-HR Team ng Isabela ang Bronze Award (Maturity Level 2) matapos nitong mapanatili ang magandang kalidad ng kanilang pagganap ngayong new normal.
Ito ay bahagi ng kanilang pagsunod sa mga programa ng Civil Service Commission (CSC) kung saan ang PRIME HR Team ng Division ay patuloy na naipamalas ang kakayahan at pangako na makamit ang kahusayan sa paghahatid ng serbisyo sa mga Isabeleño na maging daan para sa tagumpay na paghahatid ng serbisyo publiko.
Makaraang makakuha ng mataas na puntos sa Maturity Level 2 sa batayan na Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME HRM) na pangunahing programa ng CSC.
Kaugnay nito, handaang tanggapin ng SDO Isabela ang pribilehiyo sa ilalim ng CSC Resolution No. 2001087 dated December 23, 2020.
Kasabay nito, ang iba’t ibang mga hamon upang mapanatili ang katayuan na ito at mapabuti ang sistema nito sa pagtugon sa mas mataas na antas ay kasunod nito ang pagtutok ng CSC region 2 sa pagpapatupad ng mga programa upang mapanatili at mapataas ang mga kakayahan, sistema, at kasanayan tungo sa mas mahusay na Human Resource.
Samantala, masasaksihan naman ang pormal na paggawad ng award sa darating na Setyembre 13 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Civil Service Commission na may temang:
Ang pormal na pagkakaloob ng nasabing gantimpala ay halos masasaksihan sa Setyembre 13 bilang bahagi ng isang buwan na pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas na may temang, “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes.”