Ipinasa na ng Malaysia sa Pilipinas ang Sea Games flame.
Ang flame hand-over ay isang tradisyon na sumisimbulo sa pagpapasa ng tungkulin ng nakaraang host sa bagong country host.
Ayon kay Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Executive Director Ramon Suzara – handa na ang Pilipinas bilang host ng biennial meet.
Ang apoy ay gagamitin sa pagsindi ng Sea Games torch na dadalhin sa iba’t-ibang lugar sa bansa kung saan pagdadausan ang torch run.
Tiwala naman ang Malaysia na magagampanan ng maayos ng Pilipinas ang hosting ng Sea Games.
Abangan, bukas ang DZXL Radyo Trabaho Volleyball Tournament.
Maghaharap para sa ikatlong pwesto ang Nota Bulls at Head Office Monarchs.
Mag-aagawan naman para sa kampeonato ang Lady Raptors at OJT Warriors.
Gaganapin ito alas-3:00 ng hapon sa Guadalupe Nuevo Gym.