SEA Games master chef, itinangging kikiam ang inihandang almusal sa mga atleta ng SEA Games

Itinanggi ng master chef ng SEA Games na kikiam ang inihandang almusal sa mga atletang lumalahok sa regional sports meet.

Ayon kay chef Bruce Lim – chicken sausage ang isinilbing breakfast sa Philippine Women’s Football Team.

Ginawan din nila ng paraan para mabigyan ang hiling na halal food ng mga atletang Muslim.


Pinaghahandaan aniya ang pagkain ng mga atleta at mayroon silang listahan ng mga pagkaing hindi pwede.

Pinabulaanan naman Philippine Sea Games Organizing Committee o PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara na inisnab nila ang alok ng National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) para sa paghahanda ng halal food.

Nilinaw din ni Lim na pwedeng lumabas at maghanap ng ibang makakainan ang mga kalahok.

Facebook Comments