Magsisilbing batayan para sa lahat ng international sport events ang naging opening ceremony ng South East Asian (SEA) Games sa bansa.
Ito ang ipinagmalaki ng Malacañang kasunod ng opisyal na nagbubukas ng 30th SEA Games sa Philippine Arena noong Sabado.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, muling naipakita ang kultura ng bansa at husay sa world class performances o pagtatanghal ng Filipino singers at dancers.
Pinuri rin ng Palasyo ang mismong stage design, production, cauldron lighting ceremony at maging ang fireworks display.
Dag-dag pa ng tagapagsalita, muling nagkaisa ang sambayanang Filipino, anuman ang edad, katayuan sa lipunan at maging politikal na naniniwala, upang ipakita ang pagsuporta as hosting ng bansa sa 30th SEA Games.
Matatandaang humingi ng dispensa ang Malacañang sa kabi-kabilang aberya sa transportasyon at hotel accommodations na naranasan ng mga atleta mula sa Timog Silangang Asya.