Nitong Huwebes, sinagip ng isang mangingisda ang nakitang sea turtle na nakulong sa isang fish corral sa Barangay Sara-et, Himamaylan City, Negros Occidental.
Ipinagbigay alam ni Francisco Gayonga, 61 taong gulang, ang nailigtas na sea turtle sa mga otoridad. Agad nakipagugnayan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para maibalik ito sa kanyang natural habitat.
Ayon kay Commander Ludovico Librilla Jr., pinuno ng Philippine Coast Guard-Negros Occidental, mahigit 100 kilograms ang timbang ng sea turtle.
Nang makuha ni Gayonga ang sea turtle, dinala niya ito sa pampang upang masuri ng mga beterinaryo. Kinalaunan, pinakawalan din ang sea creature nung malamang walang tinamong galos.
Facebook Comments