Seaborne Forces ng Philippine Army na sinanay sa Nuclear Biological Chemical Warfare naka-deploy na rin laban sa COVID-19

Ideneploy na rin ng Philippine Army ang kanilang seaborne forces na sinanay sa Nuclear Biological Chemical warfare para labanan ang pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Philippine Army Chief Lieutenant General Gilbert Gapay, sanay ang mga Seaborne Forces nila para magsagawa ng decontamination at disinfection.

Sa ngayon nakadeplopy aniya ang mga ito para alalayan ang mga sundalong nagbabantay ngayon sa mga border sa Metro Manila.


Ayon kay Gapay araw araw bago magpahinga ang mga ideneploy sa pagbabantay sa mga border ay isinasailalim sila sa decontamination ng mga seaborne forces para matiyak na walang mahahawa ng COVID-19.

Inihayag ni Gapay na lahat ng mga sundalong nakadeploy ngayon sa mga border at mga kalsada ay hindi pinapauwi ng kanilang mga bahay sa halip ginawan sila ng barracks para magpahinga at sila ay minomonitor ng mga medical teams ng Philippine Army.

Sa ngayon may isa silang sundalo na Person Under Monitoring (PUI) dahil nilagnat ito matapos ang ilang araw na pagbabantay sa mga border.

Handa aniya ang kanilang gymnasium sa Fort Bonifacio sa Taguig City para sa 14 days quarantine ng mga sundalong magiging person under monitoring.

Pakiusap pa rin ni Gapay sa publiko manatili sa bahay para mapigil ang paghawa hawa ng virus.

Facebook Comments