Seafarers at OFWs, dapat turukan din ng 2nd booster dose kontra COVID-19

Inirerekomenda ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na isama ang seafarers at overseas Filipino workers (OFWs) sa pagbabakuna ng ikalawang booster dose kontra COVID.

Ayon kay Galvez, kinakailangan na kasi ang 4th dose ng bakuna sa Qatar at United Arab Emirates at may mga employer din na nagri-require nito.

Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng second booster shot sa mga health workers, senior citizens, at immunocompromised individuals.


Ngunit sa ngayon ay limitado lamang ang bakuna para sa mga immunocompromised dahil madaling humina ang kanilang immunity laban sa COVID-19.

Facebook Comments