Umapela ang Marino Partylist sa pamahalaan na magkaloob ng emergency employment at financial assistance para sa seafarers at port workers na nawalan ng hanap buhay bunsod ng pinsalang iniwan ng Bagyong Odette sa local shipping industry.
Ayon kay Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez, tinatayang aabot sa 1,000 maritime industry workers ang jobless o walang trabaho ngayon.
Ito’y matapos na palubugin at sirain ng bagyo ang nasa 120 na barko na pag-aari ng mga miyembro ng Philippine Coastwise Shipping Association.
Batid ng kongresista na bahagi ng regular program ng administrasyon ang pagbibigay ng emergency employment at financial aid kaya naman mahalagang kumilos na para matulungan ang mga marino at iba pang apektadong mandaragat.
Inirekomenda pa ng Marino na i-hire muna pansamantala ang displaced seafarers at port workers sa nationwide infrastructure project sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng pamahalaan.