Inaasahang mas lalakas pa ang operasyon sa bangus processing sa oras na matapos ang pagsasaayos ng Korean Philippines Dagupan Seafood Processing Complex na matatagpuan sa Bonuan Binloc.
Nito lamang inumpisahan na ang renobasyon nito upang matugunan ang kailangang mga pagsasaayos sa naturang pasilidad.
Sakaling matapos na, tiwala ang lokal na pamahalaan na gaganda ang trabaho at kitaan ng mga local bangus deboners sa lungsod.
Katuwang ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagpapatuloy ang mga programa na may layuning palakasin ang agri at aquaculture sektor sa lungsod maging sa buong Ilocos Region.
Samantala, pagtitiyak ng LGU na nagpapatuloy umano ang iba’t-ibang serbisyo tulad sa pangkalusugan, hanapbuhay na tulong na laan para sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









