SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE, IGINAWAD SA BAYAN NG SAN MANUEL

Iginawad sa Lokal na Pamahalaan ng San Manuel, Pangasinan ang sa isinagawang Virtual awarding kasama ang ilan sa mga pribadong kumpanya at ahensya.

Sa naging paggawad ng parangal, tumanggap ng ilang papuri ang LGU dahil ipinakita umano nito ang lahat ng kakayahan upang tulungan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga paaralan at mga mag-aaral nito sa mga nasasakupan ng bayan.

Naabot umano ng LGU ang kwalipikasyon at dapat lamang na tanggapin ng pamunuan ang parangal dahil sa maayos na serbisyong ibinigay sa bawat paaralan.


Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng ilan sa mga kinatawan ng iba’t – ibang pribadong kumpanya at ahensya na kinabibilangan ng San Roque Power Corporation (SRPC), United States Agency for International Development (USAID), PLDT-SMART, SEAOIL, SYNERGEIA at SGV Foundation.

Labis naman ang pasasalamat ng Alkalde ng bayan na si Mayor Kenneth Marco Perez na kung hindi dahil sa suporta ng iba’t ibang ahensya, sektor sa lipunan at sa mga kababayan nito ay hindi umano makakamit ang naturang pagkilala sa bayan.

Facebook Comments