SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE, TARGET NA MASUNGKIT NG LGU ASINGAN; KAWANI NG LGU, NAGPULONG

ASINGAN, PANGASINAN-Nagpulong ngayon ang mga miyembro ng lokal na pamahalaan ng Asingan kasama din ang mga miyembro ng Local School Board (LSB) ng bayan sa target nitong makasungit ng isang parangal na napapatungkol sa good education governance ng bayan.
Layon ng naturang pagpupulong na ito upang magkaroon ng pag-uusap sa dalawang ahensya na nabanggit para sa mga programa at proyekto na kanilang isasagawa upang makuha ang seal of good education governance.
Bukod dito, napag-usapan din ng mga ito ang pamamahagi ng tanim na fruit bearining seeds na itatanim sa mga paaralan kasabay din nito ang pamimigay ng nasa isang milyong halaga ng mga kagamitan sa paaralan gaya na lamang libro at iba pa.

Layon din nitong mabigyan ng isang dekalidad at maaasahang edukasyon ang mga mag-aaral sa bayan ng Asingan. #ifmnews
Facebook Comments