Cauayan City – Nakamit ng City of Cauayan ang Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government para sa taong 2024.
Personal na tinanggap ni Mayor Jaycee Dy ang parangal, kasama ang mga opisyal ng lungsod, kahapon, ika-9 ng Desyembre sa Tent City, Manila Hotel.
Matapos ang masusing pagsusuri sa 1,715 na local government units sa buong bansa, napabilang ang Lungsod ng Cauayan sa mga pumasa sa lahat ng pamantayan ng Seal.
Ang parangal na ito ay patunay sa epektibong pamamahala ng LGU Cauayan City at ng dedikasyon nito sa pagsunod sa layunin ng DILG ngayong taon na “Isang Dekada ng Pagkilala sa Tapat at Mahusay na Pamamahala.”
Bilang isa sa mga nakapasa sa SGLG, nakatanggap din ang LGU Cauayan ng Incentive Fund na nagkakahalaga ng P2-M na magagamit para sa implementasyon ng mga National Programs.