Manila, Philippines – Magsasagawa ang Bureau of Customs (BOC) ng public auction ng iba’t-ibang produkto sa susunod na buwan.
Ipasusubasta ang iba’t-ibang klase ng produkto sa darating na May 8, alas-10:30 ng umaga sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila.
Target nito na makalikom ng 7.1 million pesos na dagdag revenue.
Ang auction ay isasagawa sa pamamagitan ng sealed bidding.
Kabilang sa mga produktong ipasusubasta ay 100 package ng mga gadgets, damit, sapatos, accessories, ilang office at construction supplies at iba pa.
Inanunsyo na rin ng BOC na isasagawa ang public viewing at pre-bid conference sa mga kwalipikadong bidders ay gaganapin sa May 3 at 4 sa MICP.
Facebook Comments