Seaman, Arestado sa kasong Paglabag sa RA 9262!

179

Cabagan, Isabela- Arestado ang isang seaman sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children pasado alas dos ng tanghali, Enero 03, 2019.

Kinilala ang suspek na si Randy Mallanao Carniyan, 38 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP Cabagan ang suspek matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children.

Samantala, agad namang dinala ang akusado sa himpilan ng PNP Cabagan para sa kaukulang kaparusahan habang pansamantala namang makakalaya ito kung makakapaglagak ng piyansang tatlong libong piso (P3,000.00).

Facebook Comments

From Advertisers