Seaman na may Kasong Paglabag sa VAWC Law, Timbog sa Alicia, Isabela!

279

*Alicia, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang seaman na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Linglingay, Alicia, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mike Ian Ramos, nasa tamang edad, binata at residente ng Brgy. Linglingay, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Alicia si Ramos sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Maribel Mariano-Beltran ng RTC Branch 69, Iba, Zambales dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children na may inirekomendang piyansa na P72,000.00.

Nasa kustodiya na ng PNP Alicia ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments