Nilooban ng lalaki ang isang game farm at tinangay ang pitong manok sa Ilocos Sur.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dumulog ang 28 anyos na lalaking may-ari ng game farm matapos na marekober ang isa sa pitong tandang na ninakaw, na ipinagbili sa buyer ng P1000.
Sa kabuuan, abot P105, 000 ang halaga ng ninakaw, kung saan bawat isa ay nasa P15, 000.
Agad na natukoy ang ipinagbiling manok sa buyer dahil mayroon itong tatak na pagkakakilanlan ng nagmamay-ari.
Bukod pa rito, natukoy din ang ng Game Farm caretaker na nasa gamefarm ng madaling araw, at lumabas ng may bitbit umanong sako, at pinaniniwalaang ang mga ninakaw na tandang ang nasa loob nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









