SEARCH AND RESCUE | Mga helicopter na bibilhin sa Canada, hindi gagamiting attack helicopters – AFP

Manila, Philippines – Hindi gagamitin bilang attack helicopters ang 16 na Bell Helicopters na bibilhin ng pamahalaan sa bansang Canada.

Ito ang pahayag ng pamunuan ng AFP, matapos naging ng ulat na under review ang kontrata na nagkakahalaga ng 233 Million canadian dollars o 9.5 Billion pesos.

Ayon kay Major General Restituto Padilla – Deputy Chief of Staff for plans ng AFP, gagamitin lang ang mga helicopters na ito para sa Search and Rescue at pang transport sa mga sundalong sugatan sa labanan.


Paiwanag pa ng opisyal alam ng AFP na hindi naman talaga attack helicopter ang kanilang bibilhin sa Canada sa halip ito ay gagamitin lamang para sa humanitarian assistance and disaster response .

Una nito ay napaulat na pinarerepaso ng Canadian Government ang kontrata sa takot na gamitin ang mga Bell Helicopters sa anti insurgency campaign ng gobyerno.

Facebook Comments