Search and rescue operation sa 11 nawawalang pasahero ng lumubog na cargo vessel sa Cagayan, nagpapatuloy

Sta. Ana, Cagayan – Nagpapatuloy ang search and rescue operation sa labing-isang sakay ng lumubog na cargo vessel sa bahagi ng Sta. Ana, Cagayan kahapon bunsod ng pananalasa ng bagyong Odette.

Galing North Maluku Province ng Indonesia ang MV Emerald Star at papunta sana ng Lianyungang, China nang tumagilid dahil sa lakas ng alon.

Kabilang sa mga nawawala ang kapitan ng barko.


Isang estudyante rin ang nawawala matapos lumubog ang sinasakyang motor boat sa isang ilog sa San Jose, Occidental Mindoro.

Nakilala ang biktima na si Leah Mangao, 19 anyos at nag-iisang nawawala matapos ma-rescue ang walong iba pa.

Patay naman matapos anurin ng baha ang magsasakang si Rodrigo Garcia sa lalawigan ng Apayao.

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong ang DSWD sa mga nasalanta ng bagyo partikular sa Cordillera Administrative Region.

Facebook Comments