Search and rescue operation sa estudyanteng nalunod sa ilog sa Atok, Benguet, nagpapatuloy

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation para sa isang 20-anyos na estudyante na nalunod sa Ilog Amburayan sa Naguey, Atok, Benguet.

Base sa unang ulat ng PNP, ang biktima kasama ang tatlong kaibigan na kapwa niya estudyante, ay pumunta sa ilog upang maligo.

Ang biktima ay lumangoy at sumisid ngunit nalunod siya dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.

Kaugnay nito, mariing ipinapaalala ni Mayor Franklin Smith sa mga residente ang pagpapatupad ng kanyang inilabas na executive order na nagbabawal sa mga water recreational activities sa munisipyo ng Atok kapag hindi maganda ang kondisyon ng panahon.

Facebook Comments