Search and Rescue Operation sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga, itinigil 

Itinigil pansamantala kaninang umaga ng mga otoridad ang kanilang search and rescue operation sa mga survivors sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga.

Ito ay matapos na muling tumama ang bagong magnitude 4.5 na lindol sa Castillejos, Zambales.

Matapos maramdaman ang pagyanig, agad na lumayo ang mga rescuers sa ground zero at itinigil ang paghahanap.


May mga naitala din pinakabagong aftershock matapos ang lindol.

Sa datos ng Phivolcs, alas 4:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules, nasa 593 na ang naitalang aftershocks matapos ang 6.1 na magnitude na lindol sa Luzon.

Ayon kay Phivolcs Siesmology Department OIC Ismael Narag, bagamat pababa na ang bilang ng mga naitatalang aftershocks, maari pa itong tumagal ng ilang araw.

Bunsod nito, pinayuhan ng PDRRMO ng Pampanga ang mga residente na manatiling maging alerto at gawin ang mga safety measures.

Facebook Comments