Search and Rescue Operation sa Itbayat, Batanes, Patuloy!

*Batanes- *Walo na ang kumpirmadong patay na inaasahan pang madagdagan matapos na tumama ang 5. 4 magnitude na lindol pasado alas kwatro kaninang madaling araw partikular sa Itbayat, Batanes.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Fire Senior Inspector Franklin Tabingo, bagong pinuno ng BFP Batanes, kasalukuyan ang isinasagawang Search and Rescue Operation ng lahat ng mga kawani ng ahensya, mga rescue unit ng pamahalaang Panlalawigan ng Batanes at iba pang mga indibidwal.

Batay sa inisyal na report ng PDRRMO, nasa walong katao na ang naitalang casualty sa lugar habang marami ang nasugatan at nagibang mga bahay at gusali sa pagtama ng nasabing lindol.


Nakilala ang mga nasawi na sina Genward Mina, Mary Rose Valiente, Eva Valiente, Fiona Valiente, Teresita Gulaga habang hindi pa napapangalanan ang iba pang mga namatay.

Ayon kay FSI Tabingo, nakapagpadala na sila ng responding team mula sa iba-ibang bayan ng Lalawigan upang tumulong sa pagrescue sa mga biktima.

Pinaalalahanan naman nito ang kanyang mga tauhan na dapat maging alerto sa lahat ng oras para sa anumang darating na mandato.

Facebook Comments