Search and rescue operation sa mangingisdang nawawala sa Masbate, nagpapatuloy; bumanggang vessel sa motorbanca, inaalam pa – PCG

Patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaking napaulat na nawawala matapos ang insidente ng banggaan ng dalawang bangka sa bahagi ng Burias Island, Masbate.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), isang motorbanca na ginagamit sa pangisda at isang hindi pa tukoy na vessel ang sangkot sa collision noong August 10.

Sakay ng motorbanca na MBCA Dandan ang 37 anyos na si Roland Marientes at 23 anyos na kapatid nitong si Roldan.


Batay sa imbestigasyon, natutulog umano ang dalawa nang mabangga ang kanilang sinasakyang bangka.

Nasagip si Roland pero patuloy namang pinaghahanap ang kaniyang kapatid na si Roldan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Coast Guard Sub-Station sa San Pascual, Masbate sa ibang mangingisda sa mga kalapit na barangay.

Facebook Comments