Search and rescue operation sa mga nawawalang tripulante ng US Navy destroyer na sumalpok sa isang philippine-flagged container ship – nagpapatuloy; Mga Pinoy – hindi nadamay sa insidente

Manila, Philippines – Patuloy ang search and rescue operation ng US Navy sa nawawalang mga crew ng missile-guided destroyer nito na USS Fitzgerald matapos sinalpok ng Philippine-flagged container ship sa karagatan ng Yokusuka, Japan.

Mula sa Japan na gumagamit ang US Navy ng mga rescue helicopters upang hanapin ang pitong nawawalang crew ng USS Fitzgerald habang wala namang Pinoy na nadamay sa trahedya.

Nasira ang starboard ng USS destroyer at nabutas na naging sanhi upang pasukin ng tubig kaya hindi ito makapag-operate.


Bagama’t gasgas lang ang tinamo ng bahagi ng bow ng container ship na ACX crystal.

Nabatid na hindi nakita ng ACX crystal ang US destroyer dahil madilim ang bahagi ng karagatan.

Ang ACX crystal ay pag-aari ng Sea Quest Ship Management na nakabase sa Cavite.

Galing itong Malaysia at patungo na sana sa Tokyo port habang ang USS Fitzgerald naman ay patungong home port nito sa Yokosuka.

Facebook Comments