Nagpapatuloy ang search rescue operation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Agno sa Isang 59 anyos na lalaking mangingisda na pumalaot noong hapon ng linggo, ika-26 ng Enero.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ng awtoridad ang nawawalang mangingisda na si Mang Ariel na sakay ng asul na motorized banca. Inaasahang makakabalik ito ng alas siyete ng umaga ng 27 ng Enero ngunit hindi ito na ito nakabalik.
Sa pakikipag-ugnayan ng IFM News Dagupan sa MDRRMO Agno, posibleng dahil umano sa lakas ng hangin na naranasan kaya’t nahirapan itong makabalik. Dagdag pa riyan, nagpapatuloy ang kanilang search and rescue operation katuwang ang Philippine Coast Guard.
Palala ng MDRRMO sa mangingisda na huwag pumalaot kung mayroong nakataas na gale warning.
Umaasa naman ang pamilya nito na makabalik sa madaling panahon si Mang Ariel. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨