Search and rescue operation sa nawawalang mangingisda sa Subic, Zambales, nagpapatuloy; dalawang Chinese vessel, hinihinalang sangkot sa insidente —PCG

Courtesy: PCG

Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nawawalang mangingisda sa karagatan ng Subic, Zambales.

Kasunod ito ng insidente ng banggaan ng foreign vessel at bangkang pangisda noong July 3 kung saan lumubog ang sinasakyan ng mga Pilipinong mangingisda.

Sa ulat ng PCG, nakaligtas ang 47 anyos na si Robert Mondoñedo pero hindi mahanap ang kaniyang kapatid na si Jose Mondoñedo matapos ang insidente.


Sa salaysay noon ng nakaligtas na biktima, binangga ng foreign vessel ang kanilang sinasakyan dahilan upang magpalutang-lutang siya hanggang makita at mailigtas makalipas ang tatlong araw.

Sa ngayon, patuloy na naghahanap ang BRP Sindangan at nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa Indonesian Port State Control dahil nasa karagatang sakop nila ang dalawang foreign vessels ng China ang hinihinalang sangkot sa insidente.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa Chinese Embassy at susulat din sa China Maritime Safety Agency kaugnay sa imbestigasyon.

Facebook Comments