Patuloy ang ginagawang search and rescue operations sa nawawalang barko na M/V Sta. Monica.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mas pinaigting ang ginagawang aerial searching sa bahagi ng Taytay, Palawan at Paluan, Occidental Mindoro.
Bukod sa himpapawid, naghahanap din ang mga tauhan ng PCG sa karagatan at mga baybayin ng Occidental Mindoro.
Nawala ang naturang barkong patungong Casian, Taytay, Palawan noong October 22 sa kasagsagan ng masamang panahon.
Hindi pa rin nahahanap ang sampung tripulanteng sakay nito kasama na ang kapitan ng barko.
Hindi naman tumitigil ang coast guard sa pangangalap ng impormasyon at paghingi ng tulong sa mga lokal na mangingisda upang mahanap na ang mga ito.
Facebook Comments