Search and rescue ops sa nawawalang Cessna plane sa Isabela, ipagpapatuloy ngayong araw

Hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang Cessna plane sa Isabela noong Huwebes, November 20.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, nagpapatuloy ang search and rescue operations sa Piper PA-32-300 aircraft na may tail number na RP-C1234.

Papunta sana itong Palanan Airport mula sa Cauayan Airport sakay ang pilotong si Captain Levy Abdul II at pasaherong si Erma Escalante, 43-anyos at isang Barangay Health Worker.


Sinusuyod na ng 32 tauhan ng Philippine National Police ang Barangay Casala, San Mariano, Isabela kung saan huling namonitor ang lokasyon ng cessna plane base sa flight radar.

Nagpakalat din ang Palanan local government ng 44 tauhan sa Sitio Dipadsangan.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkawala ng cessna plane.

Pero ayon kay Isabela Disaster Management Head Constante Foronda, isa sa posibleng factor ay ang malakas na hangin dahil na rin sa nararanasang masamang panahon sa Northern at Central Luzon bunsod ng Amihan.

Facebook Comments