Search and rescue team ng PNP, ipinakalat na!

Idineploy na ang Search and Rescue team ng Philippine National Police (PNP) kasabay nang nararanasang hagupit ng super typhoon #EgayPH sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Red Maranan, mayruon silang mga police personnel na trained sa search and rescue operations.

Sa katunayan ang mga ito ang sumasabak sa tuwing may bagyo o anumang uri ng kalamidad.


Sinabi pa ni Maranan na mayruon din silang land, air at water assets na nakahandang i-deploy anumang oras para sa humanitarian assistance and disaster response operations.

Aniya, katuwang ng kapulisan ang Sandatahang Lakas maging ang Philippine Coast Guard at iba pang sangay ng pamahalaan sa pagsasagawa ng rescue and relief mission.

Facebook Comments