SEARCH AND RETRIEVAL OPERATION | 3 batang babae na nalunod umano sa Pasig river kagabi, patuloy na pinaghahanap

Manila, Philippines – Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang tatlong batang babae matapos umanong malunod sa Pasig river kagabi.

Sa ulat, huling nakita ng ina ng isa sa mga nawawalang bata ang tatlo pasado alas-3:00 ng hapon kung saan pagbalik niya ay wala na ang mga ito.

Naiwang bakas ng mga bata ang mga tsinelas nila na natagpuan sa gilid ng ilog na nasa 25 talampakan ang lalim.


Agad na nagsagawa ng search and retrieval operation ang Pasig rescue pero itinigil ito ng alas-10:00 ng gabi dahil sa lakas ng agos sa ilalim ng ilog at ipagpapatuloy na lang ngayong umaga.

Napag-alaman na ilang beses na rin na may nalunod sa nasabing lugar at nilalagyan naman daw ito ng harang para mapigilan ang mga tao na lumusong pero nasisira ito ng mga namimingwit ng isda.

Facebook Comments