You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Search and retrieval operation sa pinaslang na alkalde ng Bien Unido, Bohol, nirekomendar nang tapusin ng mga otoridad

Inirekomendar na ng Lapu-Lapu City Police Office o LCPO na tapusin na ang kanilang search and retrieval operation para sa mga labi ni Bien Unido, Bohol Mayor Gisela Boniel na diumanoy itinapon sa karagatan ng Lapu-Lapu .

Matapos ang labing apat na araw na paghahanap sa mga labi ng alkal​de, nirekomendar ng hepe ng Police Station 4 ng Lapu-Lapu Jacinto Mandal na siya rin ang nangunguna sa diving team, na tapusin na ang search and retrieval operation dahil na-covered na nila ang area sa pagitan ng Caubian at Olango island sa Lapu-Lapu, saan pinaniniwalaang itinapon ang alkalde .
Ayon kay Mandal, hindi na rin ila kayang abutin ang napakalalim na bahagi ng dagat dahil ang kanilang diving capability aabot lamang hanggang 200 feet .

Ngunit dagdag ng opisyal na maghihintay muna sila sa desisyon at order ng direktor ng Lapu-Lapu City Police at Police Regional Office-7 Director Noli Taliño.

Facebook Comments