Search and retrieval operations ng PCG, nagpapatuloy sa 7 mangingisdang nawawala sa Palawan

Mula search and rescue operations ay lumipat na sa search and retrieval ang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pitong nawawalang mangingisda matapos banggain ng MV Happy Hiro ang ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Agutaya, Palawan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo na matapos nilang galugarin ang naturang karagatan ay hindi parin nila nakikita ang mga mangingisda.

Wala naman aniya silang itinakdang deadline kung hanggang kailan gagawin ang search and retrieval operations pero ang importante ay laging may mga tauhan silang nakaantabay para mabilis na makaresponde saka-sakaling may sightings sa mga mangingisda.


Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang mga nakaligtas na mga mangingisda sa pamunuan ng MV Happy Hiro para sa danyos na ppwede nilang singilin habang inaasikaso na rin ng shipping company ang pamilya ng mga nawawala pang mangingisda.

Matatandaang nakasuhan na ng Coast Guard ang apat na tripulante ng MV Happy Hiro ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Facebook Comments