
Patuloy ang ginagawang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisda sa Cagayan na napaulat na nawawala dahil sa Bagyong Nando.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Noemi Cayabyab, sa 13 sakay ng lumubog na fishing boat, anim na ang nasagip, apat ang narekober na wala nang buhay habang 3 ang patuloy na hinahanap.
Lumubog ang bangkang pangisda na “Jobhenz” sa baybayin ng Barangay San Vicente, Sta. Ana, Cagayan matapos ang malalakas na hampas ng alon at hangin.
Agad namang dineploy ng Coast Guard Station Sta. Ana ang Search and Rescue Teams kabilang na ang Special Operation Group Divers at Medical Team upang rumesponde.
Facebook Comments









