Monday, February 23, 2026

Search and retrieval operations sa mga indibidwal na natabunan ng basura dulot ng pagguho ng landfill sa Rodriguez, Rizal, nagpapatuloy

Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operations sa gumuhong landfill sa Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Barangay San Isidro, Rodriguez.

Tatlong katao ang kumpirmadong napaulat na natabunan ng gabundok na basura sa naturang landfill.

Sa panayam ng DZXL News sa Rodriguez MDRRMO, 24/7 ang kanilang operasyon katuwang ang iba’t ibang ahensya sa paghahanap sa mga nawawalang indibidwal.

Habang patuloy pa rin nilang kinukumpirma ang napapabalitang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pagguho ng landfill, kung saan umabot umano ito sa 50.

Facebook Comments