Search-and-retrieval operations sa mga nawawala sa pananalasa ng Bagyong Tino sa Negros Island Region, ipinatigil na ng OCD-NIR

Ipinatigil na ng Office of Civil Defense (OCD) ang search-and-retrieval operations sa mga nawawala pang biktima ng pananalasa ng Bagyong Tino sa Negros Island Region.

Ayon kay OCD-NIR Director Donato Sermeno III, ito ay ayon sa abiso mismo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Pagklaro naman ni Sermeno, puwede pa rin umanong magsagawa ng search-and-retrieval operations sa kahilingan ng mga pamilya ng mga nawawala.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga pamilya sa kani-kanilang mga local government unit (LGUs) kung nais nilang humiling ng patuloy na search-and-retrieval operations.

Batay sa talaan ng OCD, sumampa na sa 95 katao ang nasawi at mayroong 40 indibidwal ang nawawala sa naturang rehiyon.

Facebook Comments