Search, Rescue, at Retrieval Operations sa Central Luzon kasunod ng Magnitude 6.1 na lindol, tinapos na

Tinapos na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Search, Rescue, at Retrieval Missions sa mga lugar na naapektuhan ng Magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Central Luzon noong nakaraang Linggo.

Patuloy ang isinasagawang damage assessment ng gobyerno para matukoy ang pondong kakailanganin para sa rehabilitation plan.

Ayon Defense Secretary at NDRRMC Chairperson Delfin Lorenzana, nasa 1,548 na sibilyan, pulis at sundalo ang pinarangalan para sa pagtulong sa Search and Rescue Missions.


Nabatid na umabot sa 18 ang nasawi habang higit 200 ang sugatan sa nangyaring lindol.

Aabot sa 3,532 pamilya ang apektado sa 41 Barangay sa Region 3,  nasa 334 na istraktura at gusali ang napinsala.

Tinatayang nasa 1.6 Million Pesos na halaga ng assistance ang ibinigay sa central luzon na nagmumula sa Office of Civil Defense (OCD), Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), at Local Government Units.

Facebook Comments