Seaweed industry, palalakasin sa gitna ng malawakang pinsala sa fishing grounds ng bansa

Pinalalakas ng Department of Agriculture (da) ang produksyon ng seaweeds sa bansa.

Ito’y kasunod ng malawakang pinsala ng mga pangisdaan sa mga nagdaang taon.

Sa Pre-SONA briefing, sinabi ni DA Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. na sa nagdaang tatlo hanggang apat na dekada, naging talamak ang illegal fishing tulad ng dynamite fishing, cyanide fishing, paggamit ng fishing gears na nakasisira sa ilalim ng dagat, at paggamit ng lambat na may maliliit ang mata dahilan para mahuli maging ang mga similya at fingerlings.


Kaugnay dito, isa umano sa mga tinitingnang agarang solusyon ang pagpapalakas ng seaweed industry, at maganda rin ang export market ng seaweed.

Sinabi ni Laurel na sa loob lamang ng 45 araw ay maaaring magkaroon na ng harvest o ani ng seaweed ang mga mangingisda depende kung angkop ang lugar.

Facebook Comments